Tagpuan

An hour ago, I was so engrossed in reading a book when my close friend, Realyn, suddenly shared with me a video on Messenger. The caption was “Pinatahimik ko ang buong kalawakan para makinig sayo”. Without a split second, I clicked the play button.

And at 2:49, I started sobbing.

If this is the first time you watch this video, I recommend you watch this when you’re alone and listen. Very. Carefully.

I am not into spoken word poetry and I never even finished listening to a whole piece from any artists (but I strongly commend all of ’em for being so creative and brilliant thinkers) but with this one, even without any descriptions or comments from Realyn, I was hooked. So hooked that tears literally raced down my pimply face. I didn’t mind, tho.

Seriously, this is yet the best spoken word poetry I ever heard. I had goosebumps on both arms and legs. His words were woven perfectly. It was like God spoke to us through him. He served as an instrument to remind us of His love.

His unconditional love.

His love that’s long been waiting for us to notice, accept, and requite.


TAGPUAN by Brian Villavicencio

Minsan.
Nagkita tayo sa dating tagpuan.
Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa ating likuran
Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Ang pulso ng mga damdamin.

Mga kwentong gustong kumawala sa pusong
matagal na nilang gustong lisanin.

Nung gabing yon, walang kibo ang mga kuliglig
Tumigil sa pagkumpas ang mga sanga
Pinatahimik ko
ang buong kalawakan para makining sayo.

At noon, nakilala kita
Kinuwento mo sakin ang mga sikreto ng iyong nakaraan.

Sinagot ang mga paano
At kailan, ang mga sino at saan
Ang pinakamasaya at pinakamalulungkot mong karanasan.

Di ko makakalimutan ang gabing yon
Ng ipatong mo ang iyong daliri
sa mga labi mong nagkukulay ube na sa lamig
At sa sandaling bumukas ang iyong bibig,
nagmistulang entablado ang hinihigaang sahig.

Nagsimula kang umawit,
Pinakinggan ko ang tugtog, tugtog, tugtog.
Ang tibok ng puso mo sa ilalim ng tinig mo na binabaybay ang mga salita
at tono ng kantang pamilyar na sinulat nating dalawa.

Pinakinggan ko ang bawat salita,
Ang bawat paghinga, ang bawat pagtaas
at pagbaba.

Pinakinggan kita
Sa bawat pagbulong at pagsigaw.
Sinabayan ka ng ingay ng mundo
Pero pinakinggan ko’y ikaw.

Dahil alam ko, nung gabing yon,
Na ang kailangan mo ay hindi mga pangako,
hindi mga regalo, hindi mo kailangan nga mga puring mapaglalo
hindi mo kailangan ng mga rosas na galing sa bibig
O mga salitang nakakakilig.

Alam ko ang kailangan mo ay mga tengan makikinig
Kaya’t nakinig ako.

Habang kinukwento mo ang tungkol sa paborito mong laruan
nung bata ka pa
Nung isang beses na naiyak ka sa Singing Contest
dahil sa kaba

Yung tungkol sa unang lalakeng nagpatibok ng puso mo
Nakinig ako sayo
Nakinig ako sayo
Dahil mahal kita.

Kung hindi mo iyon narinig nung unang beses na nagpakilala ako sayo
Inuulit ko sayo ngayon
Mahal kita.

At hindi ito yung Mahal kita na naririnig mo sa mundo.
Ito yung mahal kita na pinakatotoo.
Ang mahal kita na makikinig sayo.

Kaya ikwento mo sakin ngayon kung pano mo natuklasan ang pag-ibig,
At ikkwento ko sayo kung pano ko to nilikha.

Ikwento mo sakin kung paano ka nila sinaktan
AT ikkwento ko sayo kung pano nila ako pinahiya,
kung paano nila ako binugbog, kung paano nila ako pinako
At paano ako pumayag alang alang sa pangako.

Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang naligaw
At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang hinanap
Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang nabigo
At ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.

Ipakita mo na handa ka ng magtiwala
na handa ka ng magmahal
At ipapakita ko sayo kung pano magdasal

Huwag kang matakot magkwento
Makikinig ako sayo

Naiintindihan kita dahil alam ko rin ang pakiramdam ng hindi pinakinggan.

Minsan.
Nakita kita sa dating tagpuan.
Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin
Ramdam ng damo sa iyong likuran
Ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin
Ang pulso ng mga damdamin

Mga kwentong gustong kumawala sa pusong
matagal na nilang gustong lisanin

Pero nung gabing yon, nung gabing yon
Galit na galit ang mga kuliglig
Walang tigil sa pagkumpas ang mga sanga
Nag-iingay ang buong kalawakan para sayo.

At nuon niyakap kita,
Pero hindi na ako naramdaman
ng manhid mong katawan.

Sinabi ko sayong mahal kita,
Pero hindi mo ako pinakinggan.

Ang pinakinggan mo ay ang mundo
Na nagsasabing handa ka ng magmahal
Kung handa ka ng masaktan.

Pero lagi mo sanang tatandaan
hindi lahat ng sugatan ay tama ang pinaglaban.

Ngayon may nangyayaring rebolusyon sa puso mo
Ikwento mo sakin, at makikinig ako.

 


I was a bit confused when he said, “Kaya ikwento mo sakin ngayon kung pano mo natuklasan ang pag-ibig, at ikukwento ko sayo kung pano ko to nilikha,”

Because how can he create love?

But when he said, “At ikukwento ko sayo kung pano nila ako pinahiya, kung paano nila ako binugbog, kung paano nila ako pinako, at paano ako pumayag alang alang sa pangako.”

I began to understand.

And the succeeding paragraph had me sobbing: “Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang naligaw, at ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang hinanap. Ipaalala mo sakin kung ilang beses kang nabigo, at ipapaalala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.”

In this kind of generation we are currently living in, a powerful reminder like this makes us pause, reflect, and pray.

Thank you for this, brother. God was with you when you made and delivered this piece.


And as my favorite daily gospel website’s heading, which, for me, is a constant reminder for all of us, says:


P.S. I learned on FB that by God’s grace, he just got married with his The One, Geleen, last June (28) 2018, and Moira sang “Tagpuan” on their wedding. ❤

Congratulations to the both of you! May you always be blessed so you can be a blessing to others. Continue to share God’s word. ❤ ❤ ❤

Brian V.

Brian Villavicencio and Geleen Shekinah Villavicencio Wedding (c) Brian Vee

 

7 thoughts on “Tagpuan

  1. Thanks for sharing, Mel. I’m thinking of same old spoken word poetry about love and heartbreaks, pero ayun nga… mas nakakaiyak ang pag-ibig ng Lord. Tagos. Whew!

    Liked by 1 person

Let me hear you. :)