Uy, kaibigan, kumusta?

Sana nasa mabuti kang kalagayan.

Medyo matagal-tagal na rin nang huli akong sumulat dito, mag dadalawang taon na. Kaya naman ngayong ako’y nagbabalik, wikang Filipino naman ang gagamitin ko (naks may ganern hihi). Bukod sa Best in Filipino ako nung high school (teka ako nga ba yun? hahhaha), na miss ko na rin mag tagalog eh. Tsaka alam mo yun, may mga pagkakataon talaga na mas ramdam mo yung emosyon sa bawat salita pag wikang Filipino gamit mo eh. Ramdam mo yung lalim, yung hugot. Gaya ng “mahal kita”. Diba? Hahahha. Anyway, andami nangyari at mga pagbabago (pero hindi kasama dun yung status ko, shingle pa rin ako ey haahhaha). Anyway (paulit-ulit? hahahah), medyo busy lang din kasi sa work at law school (tsaka busy din sa kakaisip sayo, iniisip mo rin kaya ako? Hahahha joke lang, naniwala ka naman.) 

Alam mo, habang tumatanda ako, parami nang parami ang mga natututunan ko sa buhay (lalo na yung mga bagay na di ko iniexpect mangyari pero nangyayari naman pala talaga, *sad*). Well, siguro lahat naman tayo, maraming natututunan sa buhay, diba. Pero di ko na iisa-isahin yung sakin dito, magiging ‘series’ na tong post na to pag ganun lol. Pero actually, di pa gumagana masyado utak ko ngayon, writer’s block kumbaga. O baka dahil sadyang tumatanda nalang talaga ‘tong lola mo hahhaha. Anyway, gusto ko lang din talaga kamustahin ka. 😊

Sa gitna ng krisis na hinaharap natin ngayon, andami nating natututunan, ano? Hindi yung mga tiktok moves ah hahhaha. Andami natin mga realisasyon sa buhay bah.

ORAS AT PAMILYA
Noon, halos lahat ng oras natin naka ukol lang sa trabaho o pag-aaral, na kahit pag uwi natin sa bahay, ganun pa rin ginagawa natin. Wala na tayong oras para sa ibang mas mahahalagang bagay. Pero ngayong under enhanced community quarantine tayo, nagkaroon tayo ng sapat na panahon para makapiling sila mama, papa, ate, kuya, at iba pa nating mga mahal sa buhay. Di natin hawak ang oras, di natin alam kailan tayo mawawala sa mundong ito kaya wag natin sayangin ang mga oras na tulad nito. Pero, kung wala ka naman sa bahay kasi naka dorm ka, okay lang yun, ivideo call mo nalang sila palagi. Tsaka at least, marami kang “me”-time. Ganda pa rin kaya nun! Hahahaha 😉

PAGTUTULUNGAN
May ibang mapapalad na kahit walang pasok, pinapaswelduhan pa rin sila ng company nila. Pero may iba naman na hindi. Dito, nakikita natin ang pagtutulungan ng bawat isa. Tsaka, andaming mga taong may busilak na puso, yung kahit di sila obligadong magbigay ng pagkain sa iba, pero dahil meron sila, dahil blessed sila, pinipili nilang magbigay at tumulong. Salamat po sa inyo.

IMPORTANTE ANG WAIS NA PAGBOTO
Yan alam mo na ha. Hindi biro ang pagboto. Hindi yan parang sa classroom election lang. Ngayon, nakikita natin kung sino ang mga totoo, mapagmatulungin, mapagmalasakit, may stratehiya at mabubuting leader. Naalala ko, nung bigla sila nag number 1 na may pinaka maraming confirmed cases dahil sa 17K+ na new cases in one day, pinost ko yung tracker sa myday ko na may caption “God bless, America.”

IMG_20200419_192939

Nakakabahala naman talaga kasi. Pero ngayon, mas lumala. Umabot na sila ng 738,923 confirmed cases as of April 19, 8:00PM, Philippine time. Check the tracker here:

https://www.worldometers.info/coronavirus/

Sinisi pa ni President Donald Trump ang World Health Organization for “severely mismanaging and covering up”, gayung administrasyon nya mismo, in the first place, ang nagkulang. Check this link:

https://cnnphilippines.com/world/2020/4/16/Trump-COVID-19-response-demands-investigation.html#

Sa kabilang dako (news reporter lang ang peg ng lola mo hahhah), nakakahanga ang aksyon ng Taiwan. As of this writing, 420 lang ang cases nila. Alam mo bang 23.78M ang population nila di tulad sa Australia na may 24.99M, pero ang cases ng Australia ay 6,606? Paano na contain ng Taiwan ang virus? Dahil umaksyon agad si President Tsai Ing-Wen at ang kanyang administrasyon. Check these links:

https://edition.cnn.com/2020/04/04/asia/taiwan-coronavirus-response-who-intl-hnk/index.html

https://time.com/collection/finding-hope-coronavirus-pandemic/5820596/taiwan-coronavirus-lessons/

Hindi nalang ako mag cocomment tungkol sa atin ha. Pero I believe, ginagawa naman ni President Duterte at ng kanyang administrasyon ang lahat. Kung anuman po ang mga maling desisyon na nagawa niya, which, for sure, alam din niyang mali (kasi abogado naman siya), imbes na i-bash po natin, ipagdasal nalang po natin na may gagawin siya para itama yung mga nagawa niyang maili. Pero kaibigan, kung di ka talaga sang-ayon sa kanya at kung ikaw ay: (1) natural born citizen of the Philippines; (2) registered voter; (3) able to read and write; (4) at least forty years of age sa araw ng election; at (4) resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election, pwede kang tumakbo na presidente sa susunod na eleksyon. Subalit, kung di ka pa forty years old, pwede kang tumakbo sa ibang posisyon kung saan pakiwari mo ay ma-aapply mo ang iyong katalinuhan at moral. Di kita inaaway ha hahahhahahh. Wag masyadong serious lol. SPREAD LOVE, NOT HATE. ❤

PANANAMPALATAYA
Kahit walang mga mass gathering ngayon, di ito rason para di tayo mag dasal. Mas lalo natin pahigpitin ang pananampalataya natin dahil bukod sa social distancing at tulong mula sa gobyerno at lahat ng frontliners, Siya lang talaga ang may alam kung kailan matatapos ang krisis na ito. Pero hindi naman Niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin malalagpasan. May rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Hindi Niya tayo pababayaan. God is good.

PAGKATAPOS NITO
Pagkatapos ng lahat ng ito, sana mas pahalagahan pa natin ang oras, ang ating mga kaibigan, mga mahal natin sa buhay, at kahit na yung mga maliliit na bagay. Yung libre ni friend na kwekwek, yung “tara kape”/“tara milktea”/”tara, simba tayo” moments, yung mga biglaang food trip, yung signature handshake/beso-beso/akbay/hug ni friend sa tuwing nagkikita kayo, yung ingay at excitement sa loob ng event hall habang magsisimula na ang graduation, yung mga halakhakan at maya-mayang groufie kasama ang barkada, yung mga yakap nina mama/papa/ate/kuya, mga hawak kamay, at lahat-lahat (malalaki o maliliit) na mga bagay -– nakaka miss, noh? Kaya pagkatapos nito, sana mas damdamin at pahalagahan pa natin ang oras na meron tayo at lahat ng mga bagay, maliit man o malaki, na ma e-experience natin sa ating buhay.

Sa mga nagshi-share naman ng mga memes na “pagkatapos ng quarantine, mag-aasawa na talaga ako”, wait, may bf/gf ka na ba? Kung wala, hanap ka muna hahhahaha. Pero wag dahil sa impulse ha – yung tipong nagmamadali ka kasi baka may pandemic ulit (naku wag naman po sana Lord) – dapat dahil sa mahal mo talaga yung isang tao (ganern hahaha). Bottomline is, let’s celebrate and be grateful for the gifts of work, family, friendship, and yes, love! Pagkatapos ng krisis na ito, let’s make MORE MOMENTS and treasure EVERYTHING.

HABANG ANDITO PA TAYO
Subalit hanggang nasa gitna pa tayo ng krisis na ito, mag tulong-tulong tayo para matapos na rin to. Paulit-ulit ito na paalala ng gobyerno: MANATILI SA BAHAY. Please naman, lalo na kapag di ka naman exempted worker or frontliner o kapag wala ka naman importanteng gagawin sa labas (gaya ng pagbili ng pagkain o medisina). COOPERATION IS THE KEY, kaibigan. Pag wala na kayong makain, respectfully ask for help from your local government or even from other individuals, tsaka mag pray ka with all humility and have faith. GOD WILL PROVIDE.

Di natin alam kung kailan to matatapos, pero one thing is certain:
THIS TOO SHALL PASS. In Jesus’ name. Amen!

Ingat ka, kaibigan! ❤❤❤

9 thoughts on “Uy, kaibigan, kumusta?

  1. Mel!!! Yung title mo eh intro yan ng mga kaibigang matagal na di nagparamdam tapos mangungutang. Hahahaha.

    Wait, are you taking law now? Wowww…

    Ingat diyan ha! Chaotic ang world. Hay. Hamo matatapos din ito.

    Liked by 1 person

  2. Hope na safe ka…nakakatuwang basahin ang post mo….mahusay din ang pagkakahandle ng China sa kasong ito. Ang key kasi ay pagsunod ng tao. Ehem. Ang hirap kasi madaming di nakiki-cooperate…anyway…

    Liked by 1 person

Let me hear you. :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s